Ang Silong ay kwento ng isang lalaking pinatuloy ang isang babaeng animo'y pinahihirapan ng kanyang asawa.
Tila may sapat na yaman ang mga producers ng pelikulang ito upang pagkagastusan ang ganitong uri ng story line sa hanay ng mga kwentong mas mahalaga sanang isapelikula. Maaari rin naman itong tanda na maaari nang makalikha ng mas maraming tema ang Philippine movies. Kailangan din ng isang sikat ng aktor tulad ni Piolo Pascual upang gumastos ang mga tao upang panoorin ang pelikulang ito.
Ang nakapanghihinayang lamang ay tila walang ibang itinuturo ang pelikula kundi ipahayag lang ang nakasulat sa poster, "The deepest scars are the ones you can't see." Pero kung sa pagtalakay ng isyung ito, walang ipinakita ang pelikula kundi ang sakit ng isip na sa bandang huli, tila ito rin ang pinatututukuyan sa mga Pilipino - lalaki man o babae, tila may sakit ng pag-iisip na may kahiligang gawan nang masama ang kanilang kapwa. Mag-ingat ang mga kabataan at yaong nais lamang magpahinga sa panonood ng sineng ito. Kailangan ng masusing pag-iisip kung ano talaga ang implikasyon ng panonood ng pelikulang ito.
Rating: 2/5 or disturbing
No comments:
Post a Comment