Monday, November 19, 2012

Tiktik: the aswang chronicles



“Tiktik” ay pelikula ng isang lalaking pumunta sa probinsya ng kanyang katipan at nais makipagbalikan sa kanya.

Di mapagkakaila ang special effects na ginamit sa pelikula na tunay na kabilib-bilib sa ating mga Pinoy, “Kaya pala natin!”  Kaya lamang, sa dami ng palyado sa iskrip, sana’y inayos muna ito bago isipin ang mga palabok ng special effects.  Kung mas malinamnam ang bata sa sinapupunan, bakit iniwan ito ng mga aswang para habulin ang lalaking bida?

Tungkol naman sa mensahe ng pelikula, ano nga ba ang mga aswang na kinatatakutan ng mga tao?  Baka nagiging simbolo ito na halos walang kapangyarihan ang tao upang tupukin ito.  Dito nakakatulong ang pelikula sa pagbibigay ng kapangyarihan sa tao – kaya niyang tupukin ito.  Ngunit kung tunay na diyablo na ang pag-uusapan, baka hindi sapat ang bawang, asin, latigo, at mismong lakas ng tao.  Mayroon pang ibang maaaring makatulong sa kanya kung siya’y mananampalataya.

Pagsusuri: 3/5

No comments:

Post a Comment